HATAWAN
ni Ed de Leon
SA wakas, nai-shoot na rin ang isang commercial endorsement ni Ate Vi (Vilma Santos) na noon pa sana natapos. Na-postpone iyong una dahil nagkasakit nga si Ate Vi at kailangan niyang mag-isolate. Tapos niyon, ayaw naman siyang payagan ng mga doctor niyang magtrabaho agad dahil pati blood pressure niya ay naapektuhan ng stress na dala ng Covid. Noon namang puwede na si Ate Vi, iyong production group naman ang may sabit, hanggang finally lasy week nga ay nai-shoot na iyon at natapos, and hopefully maihabol nila sa start ng bagong taon.
Hindi naman siguro kailangan pang ilihim kung anong endorsement shoot iyon. Iyon ang television commercial ng isang generic medicine company.
Ngayon naman ang susunod na haharapin ni Ate Vi after the holidays na, dahil ang hirap namang isingit iyon ngayon, ay ang television special niya celebrating her 60th. year in showbusiness. Napagkasunduan ngang gawin iyon sa February, dahil ang kauna-unahan niyang pelikula ay inilabas sa mga sinehan noong February 21,1963.
Kaya nga nagkasundong i-correct na iyon dahil dati November sila nagce-celebrate ng kanyang anniversary dahil una siyang nag-shooting noong November 23, 1962, at saka para sabay na rin daw sa birthday month niya. Pero ngayon nga ay itinama na iyon, sa unang araw ng showing ng kanyang unang pelikula.
Pagkatapos naman niya ay mahaharap na niya ang mga film at tv offers sa kanya. Although iyong tv baka nga matagalan pa dahil nagkaroon na naman ng problema sa plano nila.
Iyong movies, sigurado na iyon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com