Monday , February 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Matet de Leon

Matet tinapos relasyon sa ina at pamilya

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAUUNAWAAN namin at alam naming masamang-masama ang loob ni Matet sa kanyang sinasabing “betrayal” na ginawa sa kanya ng kinikilala niyang ina at kapatid. Kung iisipin mo, walang kabagay-bagay ang pinagsimulan.

Dahil mahina naman talaga ang kita sa showbusiness, hindi lamang dahil sa pandemic kundi dahil na rin sa masamang ekonomiya, naisipan ni Matet at ng kanyang asawang si Mickey na pumasok sa negosyo. Gumawa sila ng gourmet tuyo, at gourmet tinapa, na mismong si Mickey pala ang nagluluto. Nagpa-rehistro sila ng isang legal na business name, at tinawag nila iyong “Casita Estrada.” Ok naman ang takbo ng negosyo na bagama’t maraming kakompitensiya ok pa rin sila. Na-shock lang si Matet, nang magising daw siya isang araw na pinadalhan siya ng message ng kinikilala niyang nanay, na ang nakalagay ay picture ng gourmet tuyo at gourmet tinapa na iba ang brand. Umasa pa rin naman daw siya na baka iyon ay biro lang, o baka magbago rin ang isip niyon at hindi naman siya kalabanin. Pero hindi ganoon ang nangyari. Tinawagan pa raw siya ng isa sa mga kinikilala niyang kapatid, na kagaya niya ay ampon ng kinikilala nilang ina, na nagsabi sa kanyang mag-reseller na lang ng brand ng nanay niya at magtulungan sila.

Tatalikuran nga ba naman niya ang kanilang pinagsikapang negosyo? Masakit iyon para kay Matet, at lalong masakit na sa palagay niya parang ipinamukha sa kanya na ampon lang naman siya. Hindi niya makuwestiyon na dapat bang kalabanin ng nanay ang anak, dahil alam na niyang hindi naman siya talagang anak. Sa palagay namin ang realization na iyon ang higit na masakit para kay Matet. Nakapagsalita rin ng masakit si Matet. Ewan kung sino ang sinasabi niyang nakatira sa bahay ng kinikilala niyang ina na siyang nagsulsol marahil doon na kalabanin pa siya. At sa himig ng pangyayari, mukha ngang tinatapos na niya ang relasyon niya sa kinilala niyang pamilya.  Ibinlock na rin niya sa social media account niya ang kinikilalang ina.

Masakit iyan ha, lalo na’t magpa-Pasko pa naman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …