ni Ed de Leon
“MAGPAPADALA po ako ng video ko, kita mukha ko, kita lahat-lahat. Padalhan lang po ninyo ako ng P5,000 sa cash card ko, bale tulong mo na sa akin at Christmas gift na rin,” ang sabi sa text ng isang dating male star na sumali sa isang talent search ng isang network dati, na ipinadala niya sa isang movie writer. Nakataas naman ang kilay na ipinabasa sa amin ng movie writer ang offer.
“Bakit ko siya babayaran eh may ipagmamalaki ba naman siya? Matanda na siya. At saka sino magbabayad sa kanya nang ganyan eh ang daming gumagawa ng ganyan na wala pang bayad sa twit. Ano akala niya sa bird niya, may ginto,” sabi ng mataray na movie writer.
Sino nga kaya ang nagbigay ng idea sa dating male star na may magbabayad sa kanya ng P5K para sa isang scandal video?