Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Gutierrez

RICHARD IBABANGON ABS-CBN
(Malakas pa rin ang batak)

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG natatandaan ninyo ang mga kuwento, halos dapa na noon ang GMA 7, may mga balita pa ngang nagkakaroon na sila ng delay sa pagbabayad sa mga supplier ng ipinatatayo nilang building, nang pumasok si Richard Gutierrez sa Mulawin, sumibat nang napakataas ang ratings niyon, natural papasok na lahat ang commercials, at nakabangon ang network. Halos isang dekada silang kumikita dahil sa sunod-sunod na serye ni Richard sa kanilang primetime.

Ang sitwasyon ng ABS-CBN sa ngayon ay mas matindi. Nawalan sila ng prangkisa, at dalawang taon nang off the air. Mabuti nakakapag-blocktime pa sila sa TV5 at sa Zoe TV, na kahit na mahina ang power, nasisilip pa rin ang kanilang shows at hindi sa social media na lang napapanood.

Ang tanong, maibangon nga kaya ni Richard ang ABS-CBN ngayon kagaya ng nangyari sa GMA noon?

Hindi ninyo masasabing hindi mangyayari iyan. Palagay namin naroroon pa rin ang malakas na batak ni Richard. Kaya lang noon, bugbog ang trailer ng Mulawin sa telebisyon. Bugbog din ang kanyang publisidad on print. Sinuportahan siya ng lehitimong media. Eh ngayon sa internet lang namin nakikita iyon.

Ang isa pang factor, siguro nga noon ay mahina ang GMA 7, pero hindi natin maikakaila na 150kw power pa rin sila at napakaraming provincial stations. Ngayon bukod sa dalawang channel na naka-blocktime and ABS-CBN, sa cable lang mapapanood ang serye ni Richard eh ilan pa nga ba ang naka-cable ngayon dahil sa sama ng cable service rito sa atin?

Pero inaasahan natin, kahit na paano mas tatayo ang ABS-CBN sa show  ni Richard kaysa naman sa ibang ginagawa nilang hindi maka-angat. At isa pa, alalahanin ninyo, may nananalo sa lotto. Kung sa lotto may panalo pa, kaya ni Richard iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …