Thursday , June 4 2026
Vice Ganda Coco Martin

Vice Ganda at Coco sigurado sa MMFF box office

HATAWAN
ni Ed de Leon

PINAG-UUSAPAN ang mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2022. Sinasabi nilang bukod kina Vice Ganda at Coco Martin, mukhang walang masasabing box office stars sa mga pelikula, pero siguro nga ang mga iyon ang napili ng screening committee dahil mas mukhang kikita ang mga iyon kaysa iba pang isinumite sa kanila.

Ewan kung bakit, pero wala pa talagang gumagawa ng malalaking pelikula lately. Bago magsimula iyang festival, may mga malalaking pelikulang Ingles na ipalalabas sa mga sinehan, malamang sa hindi ang mga pelikulang iyan ang makakukuha rin ng Christmas playdate sa mga probinsiya, hindi gaya noong araw na ang mga pelikula sa MMFF ay simultaneous sa mga sinehan sa probinsiya kaya malaki ang kita. 

Naunang nangyari iyan noong ang ipalabas sa MMFF ay puro mga pelikulang indie, hindi naging simultaneous sa probinsiya, at

ang iba nga hindi na rin naipalabas sa mga key city dahil hindi naman kumita maski noong panahon ng festival. Tapos dalawang taon na ang mga kasali sa festival ay sa internet lang napapanood dahil sa pandemya.

Ngayon, may mga pelikulang kasali na matagal nang tapos, pero hindi nailabas dahil walang makuhang sinehan. Iyang festival ang magbibigay sa kanila ng pagkakataong maipalabas sa mga sinehan, pero ano kaya ang resulta?

Tinataya ng mga marketing expert sa pelikula na siguro raw may isa o dalawang pelikula naman na kikita, pero hindi pa rin nila inaasahan ang dating gross dahil sa umiiral na inflation na tatagal daw hanggang kalahatian ng susunod na taon kung suwerte tayo. Baka nga mas humaba pa. Eh sino ba ang magbabayad ng halos P400 para manood ng sine, habang mahigit na P100 ang presyo ng asukal, mahigit P50 ang kilo ng bigas, at maski kangkong yata ay mahal na rin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …