HATAWAN
ni Ed de Leon
BUMUBUTI na raw ulit ang kalagayan ng asawa ni Andrew Schimmer, na inilabas na sa ospital matapos ang isang taong confinement, pero kailangang ibalik na muli dahil sumama na naman ang kalagayan. Ngayon bumubuti na naman daw ang kalagayan niya, pero dahil sa nangyari, parang hindi wise na ilabas siyang muli sa ospital. Baka kailangan
niyang manatili sa isang sterilized environment.
Ang isa pang posibilidad ay iyang depression. Baka noong umuwi siya nang bahay ay may nakita siyang kakulangan, o baka nabugnot dahil hindi pa siya makakilos nang husto kaya nabinat. Noong iuwi nila iyan, naka-ambulansiya pa, ibig sabihin hindi pa talaga masasabing maayos ang kalagayan niya. Pero siguro hirap na ang pamilya, at kung magtatagal pa siya sa ospital, saan pa ba sila huhugot ng pambayad? Pero mahirap na basta ilabas siya sa ospital talaga.
Kung hanggang kailan naman siya mananatili sa ospital, hindi natin alam.