HATAWAN
ni Ed de Leon
NAGTAWA na lang si Sunshine Cruz dahil sa comment ng isang basher laban kay Rayver Cruz na ang sabi “papogi ka pa riyan. Inagaw mo iyan sa idol kong si Cesar Montano.” At dahil lang iyon sa isang picture na magkasama nga at mukhang sweet sina Sunshine at Rayver.
Pero sino ba naman ang hindi nakaaalam na magpinsan ang dalawa, at first cousins pa. Ang tatay ni Sunshine na si Danny ay kapatid ng nanay nina Rayver at Rodjun na si Beth. Noong araw na kumakanta pa si Beth kasama ng kanilang banda, ginagamit niya ang pangalang Melody Cruz.
Kung nagtanong lang siya, kahit na sa mga hindi Marites, alam na magpinsan ang dalawa. Hindi siya dapat na mag-isip ng kung ano kay Rayver.