HATAWAN
ni Ed de Leon
NAKAKA-CONFUSE iyang lumalabas sa social media na sinasabing naoperahan sa Asian Hospital dahil sa sakit sa puso si Sen. Robin Padilla. Kasi basta sinabi mong sumailalim sa operasyon, “by pass” iyon. Inaalis ang bara sa puso sa pamamagitan ng pagputol at muling pagdurugtong ng ugat na may bara. Matagal na gamutan iyan. Hindi basta maoperahan ka ayos na.
Noong makita namin iyong video na nagkuwento si Robin mismo kung ano ang ginawa sa kanya, sinaksakan daw siya ng tubo sa puso para makita ang bara at saka iyon inalis, maliwanag na sa amin, isinailalim siya sa angiogram, at tapos dahil may bara itinuloy na ang angioplasty. Hindi operasyon iyon.
Kaya lang alam naman ninyo ang mga nagbabalita sa social media, hindi naman nila alam iyon at kung ano-ano na lang ang sinasabi.