Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Krystall herbal oil, Krystall vit. b1 & b6 nagpalubag ng loob ng magsasakang sinalanta ni ‘Karding’

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Ako po si Richard Gumatay, 47 years old, may asawa’t tatlong anak, nagtatrabaho sa pabrika ng condiments dito sa Biñan, Laguna.

               Kahahambalos lang po ng bagyong Karding pero awa po ng Diyos at walang gaanong pinsala sa mga residente, pero mabagsik ang hagkis sa pananim ng mga magsasaka.

               Kami po ay may maliit na sakahan ng palay at gulay, pero dahil sa nangyaring pananalasa ni Karding parang alam na namin ni misis na wala kaming maaasahan at tiyak na magpapaluwal pa dahil wala rin kikitain ang nagsasaka at nangangalaga ng aming bukid na si Kakang Celso, 63 years old.

               Si Kakang Celso po ang tinamaan sa amin sa pananalasa ng bagyong Karding dahil siya ay naninirahan sa isang kubo sa aming bukid.

               Nagtaka nga po ako’t pagkatapos ng malakas na hambalos ni Karding ay hindi pa rin siya pumupunta sa bahay kaya napilitan po akong puntahan siya sa bukid.

               Nakupo! Tama po ang sapantaha ko, nagmumukmok ang Kakang Celso dahil wala raw siyang mukhang maihaharap sa amin dahil nasalanta ang mga pananim na noong nakaarang linggo ay ipinagmamalaki niyang aanihin na namin.

               Inalo ko na lang po si Kakang Celso at ipinaliwanag na hindi niya kasalanan iyon dahil iyon ay batas ng kalikasan.

               At para maglubag ang loob ay binigyan ko ng Krystall Herbal Oil at Krystall Vitamin B1 & B6, sabi ko’y gamitin niya lalo ngayong madalas na sumasama ang panahon.

               Ang totoo raw po ay may ubo’t sipon nga siya kaya binigyan ko pa ng Krystall Nature Herbs. Sabi ko, inumin niya nang mainit at may laman ang tiyan.

               Paglipas po ng isang linggo, pumunta na sa bahay si Kakang Celso, may ngiti at sigla, dala-dala ang ilang hinog at hilaw na papaya, saging na saba, saluyot, sili, luyang dilaw, at talbos ng kamote — may bonus pang dumalagang manok. Pagpasensiyahan daw namin at ‘yun na lang ang nailigtas niya kay Karding.

               At higit sa lahat, nagpapasalamat siya sa mga produktong Krystall na dinala ko sa kanya sa bukid — ang Krystall Herbal Oil, Krystall Vit. B1 & B6, at Krystall Nature Herbs dahil parang nagdahilan lang ang naramdaman niyang sama ng katawan.

               Maraming salamat po Sis Fely dahil napakahusay talaga ng inyong mga imbensiyon.

               God bless po.

RICHARD GUMATAY

Biñan, Laguna

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …