Friday , August 22 2025
James Reid Kelsey Merritt

James nganga pa rin ang career 

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGKALAT na naman sa social media ang mga picture na nagpapakitang hinahalikan ni James Reid si Kelsey Merritt. Si Kelsey Merritt ay siyang unang Fill-Am na naging model ng Victoria’s Secret.

Pero puro ganoon naman si James. Puro siya publicity sa social media  na may ka-date na celebrities, o kaya sinasabi may mga gagawing collaboration kasama ang mga foreign artist pero hanggang ngayon naman ay wala.

Malaki ang epekto kay James noong magdesisyon siyang magsolo, mag-produce ng sarili niya na hindi naman niya naihanda. Ibinebenta niya noon ang kanyang bahay para nga siguro ang mapagbebentahan niyon ay magiging puhunan niya, pero hindi naman yata naibenta. Mukhang nagkamali sila ng diskarte nang gawin niyang manager ang tatay niya. Nagkamali rin sila sa paniniwalang sapat na ang popularidad ni James noon para tumakbo nang ok ang kanyang career.

Sa ngayon, kumikilos naman pero nganga pa rin si James. Sinasabi nila na nabibili naman ang kanyang mga kanta pero walang naging malaking hit at dahil doon wala namang kumukuha sa kanya sa mga concert, na  talagang kumikita ang mga artist.

Ewan kung ano pa ang susunod na magagawa ni James. Ngayon tagilid din siya kahit na sa tv, dahil identified siya sa ABS-CBN na ngayon naman ay walang prangkisa. Saan nga ba siya tatakbo?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Innervoices

InnerVoices magpe-perform sa 37th Star Awards for TV

MATABILni John Fontanilla NAPAKAGANDA ng bagong awitin ng grupong InnerVoices, ang I Will Wait for you in …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pumalag sa animal cruelty

MATABILni John Fontanilla HINDI natuwa si Nadine Lustre sa post ng isang online shopping app. Kaya naman …

Phoebe Walker Rico Robles

Phoebe ikakasal na sa DJ/host BF na si Rico, pagpapa-sexy may limitasyon 

RATED Rni Rommel Gonzales IKAKASAL na sa susunod na taon sina Viva/VMX actress Phoebe Walker at DJ/host Rico …

Cye Soriano Noel Cabangon Songs For Hope Concert

Cye Soriano at Noel Cabangon magsasama sa Songs For Hope Concert

MATABILni John Fontanilla EXCITED na ang tinaguriang Karen Carpenter ng Pilipinas na si Cye Soriano sa nalalapit na concert …

Will Ashley

Will Ashley pumirma sa Star Pop

MATABILni John Fontanilla MAGIGING Kapamilya na ang 1st placer sa PBB Collab edition na si Will Ashley dahil pumirma …