HATAWAN
ni Ed de Leon
ANG narinig lang namin, upset daw iyong si Rita Daniela dahil sa tsismis na nagkagalit na sila ng boyfriend na tatay din ng magiging anak niya. Hindi iyan ang gusto naming marinig eh. Ang gusto naming marinig, ano ang gagawin niyang project.
Dati humataw sila ni Ken Chan sa afternoon drama. Nang magdatingan na ang mga mas malalaking stars na tumalon sa Kamuning mula sa Madre Ignacia, wala na kaming narinig tungkol kay Rita. Maski na supporting roles wala na yata siyang ginawa, kaya
ayun nag-asawa na lang.
Sayang iyang batang iyan. Magaling pa namang kumanta. Kahit na hindi na nila paartehin, sana pakantahin naman nila nang pakantahin.