Monday , February 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla

Para maibalik ang ningning
DANIEL DAPAT UMIBA NG DISKARTE SA CAREER

MUKHANG hindi lang ang mga dating sikat na singers na sina Tillie Moreno at Eva Eugenio ang dapat kumanta ng Saan Ako Nagkamali, na naging malaking hit din noong araw. Mukhang kailangan na ring pag-aralan ni Daniel Padilla ang nasabing kanta.

May ambisyon din naman si Daniel, gusto rin niyang kilalanin siya bilang isang actor at hindi lang matinee idol. Mabilis siyang sumikat bilang matinee idol. Bakit ba naman hindi eh sa guwapo ba naman niyang iyon. Pero iba siyempre iyong matatawag kang actor.

Nanalo na naman siya ng award bilang mahusay na actor noon para sa pelikula niyang Barcelona. Dalawang ulit siyang nominated sa The Eddys, ang award na hindi pa nabibili, at kahit hindi siya nanalo ok na iyon. Pero walang duda na award ang target niya nang gawin niya ang isang indie na kasama si Charo Santos, tiyak hindi box office dahil hindi naman kikita ang ganoong pelikula. Pero aywan kung bakit minalas yata siya roon. Nasabi pa namang nag-flop ang pelikula niya, hindi pa kinilala ang acting niya.

 Nakahihinayang si Daniel. Hindi maikakailang siya pa rin ang pinakasikat na matinee idol sa ngayon. Nanlamig si Alden Richards nang iwanan ni Maine Mendoza. Nawala rin naman si James Reid nang mag-alboroto siya sa kanyang mga dating producer at nagsolo. Iyong iba namang mga bago, malayo pa iyan.

Maganda iyong kanyang serye, pero hindi naman tumaas ang ratings. Kasi ang inaasahan lang nila bukod sa cable at internet ay iyong blocktime sa dalawang estasyon, mahina pa ang isa, at kahit naka-blocktime pa sila sa dalawang free tv, hindi pa rin  nationwide ang kanilang broadcast.

Dapat dumiskarte na si Daniel ng pagbawi niya ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …