Saturday , November 23 2024
Vilma Santos lipad darna lipad

Darna ni Ate Vi pinipilahan, pinapalakpakan sa sinehan

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATATANDAAN namin noong araw, doon mismo sa isang studio ng LVN, gumagamit sila ng black backing, at isang malaking industrial fan, may malaking table na itim na roon nakadapa si Vilma Santos. Ganoon kung gawin ni Mang Tommy Marcelino ang trick shots ng palipad ni Darna.

Para mas mapaganda pa, nilagyan ng mga belt sa katawan si Ate Vi, nakabitin para nakagagalaw siya habang kunwari ay lumilipad. Pagkatapos niyon ang sakit ng katawan niya. Ganoon kahirap ang lumabas na Darna noon. Doon naman sa black backing gagamit si Mang Tommy ng stock shots ng lunsod, dahil masyado nang mahal kung gagamit pa siya ng helicopter para sa aerial shots, at doon ipapatong ang image ni Ate Vi na lumilipad. Kung minsan nakikita sa pelikula ang patong, dahil nagkakaroon ng puti. Iniisa-isa kasing burahin sa 35mm na negatibo ang dugtong at kung iisipin ninyo na mayroong 30 frames sa bawat isang segundo ng pelikula, gaano nga ba kahirap iyon?

Ngayon CGI na lang iyan, wala nang pagod. Puwede ngang gawin ang eksena nang wala ang artista. CGI nga eh. Pero ang pelikula noong Darna ni Ate Vi, pinipilahan sa sinehan, nagbabayad ang mga tao. Sa loob ng sinehan ay pumapalakpak sila sa mga eksenang bakbakan at lumalabas silang nakangiti at nagkukuwentuhan. May kasunduan pa kung kailan sila manonood ulit ng pelikula. Maibabalik pa ba nila iyon?

Ang laki ng kaibahan ng paggawa ng pelikula noon kaysa ngayon. Pero ewan kung bakit mas appreciated ng mga tao ang mga pelikula noon kaysa ngayon. Tingnan ninyo iyong mga pelikulang Anak Dalita, Biyaya ng Lupa, Badjao at marami pang iba, iyan ang itinuturing na klasikong pelikula, at wala pang CGI noon.

About Ed de Leon

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …