ni Ed de Leon
MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. Pero nagtagal nga, puro paasa ang kanyang mga kausap, at minsan bigla siyang nangailangan ng datung.
Napilitan siyang tawagan si direk na alam niyang matagal nang may kursunada sa kanya. Hindi naman pinalampas ni direk ang
pagkakataon. Nagpaalam iyon sa kanyang lock in taping, iniwan ang trabaho sa kanyang assistant at nakipagkita nga sa poging bagets na matagal na niyang ilusyon.
Minsan talaga may mga nangyayaring ganyan. Natatangay sa hindi maganda ang mga bagets dahil sa matinding pangangailangan, at may mga nagsasamantala namang kagaya ni direk.