ni Ed de Leon
HINDI na raw “rent boy” ang isang dating male bold indie star. Kasi naman hindi maikakailang tumatanda na rin siya. Pero hindi pa rin legal ang trabaho niya. Istambay siya sa isang government office, at mukhang siya ang “fixer” doon.
Hindi pa naman talaga nawawala iyang mga fixer, at palagay namin hindi na maaalis iyan. Marami kasing tamad maglakad ng sarili nilang papeles, ayaw pumila, at dahil diyan may mga fixer nga.
Mabuti naman ganoon na lang ang ginagawa ng male bold star, kaysa naman sa dati niyang sideline na illegal na immoral pa. Puwede pa niyang hawahan ng sakit ang ka-live in niya at maging ang anak niya.