Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eat Bulaga its showtime

Eat Bulaga ‘di natinag sa pakulo ng Showtime

HATAWAN
ni Ed de Leon

MUKHANG hindi pinansin ng Eat Bulaga ang naging pagbabago sa kalaban nilang It’s Showtime. Ang inilaban lang nila ay isang gay singing contest, laban doon sa “mala-Santracruzang” number ni Vice Ganda.

Hindi rin sila natigatig sa sinasabing nag-trending iyon sa social media, eh hindi pa lumalabas iyong show on the air may comment na ang mga troll eh. At kung totoo iyang trending-trending na iyan sa social media, bakit natalo ang kandidato nilang si Leni?

Siguro ang pinanghawakan na lang ng Eat Bulaga, mas malalaki ang papremyo nila at napapanood sila sa lakas na 150Kw, bukod sa mahigit na 50 relay stations nationwide. Eh ano nga ba ang laban mo kahit simultaneous ka pa sa dalawang estasyon na pareho namang nasa Metro Manila na ang power ay 60Kw lamang, at may iilan lang relay?

Iyang internet, hindi kami naniniwala riyan. Kung totoong milyon na ang nanonood sa kanila sa internet, bakit nagpipilit pa rin silang pumasok sa free tv?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …