ni Ed de Leon
KUNG hindi iiwasan ng baguhang matinee idol ang pagsama-sama niya sa kanyang mga friend sa mga “private party” na maliwanag namang para sa mga gay, ewan kung ano ang mangyayari sa kanya. At least ngayon ang tsismis ay pumapatol pa lang siya sa mga gay. Paano kung ang kumalat ay iyong sinasabi ng iba na siya mismo ay gay din?
Kita ninyo iyong ibang mas may edad na matinee idol, kung sabihin nga ay “punit-punit na ang kapa sa kalaladlad, ayaw pang umamin na may suot na pantyhose bukod sa brief.” Aba eh alam nilang kung kakalat na bading sila, wala na silang kinabukasan bilang artista.