Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PROMDI ni Fernan AngelesI
PROMDI ni Fernan Angeles

Pretty Boy Goyo

PROMDI
ni Fernan Angeles

ANG langgam nga naman, dumadayo kung saan may pulot pukyutan. Ito ang kuwento tungkol sa nagbabadyang umpugan sa pagitan ng mga Muslim na agresibong nagsulong sa kandidatura ng tinaguriang Bad Boy ng Pelikulang Filipino at isang kasador ng senador na kilalang super-close sa paretirong Pangulo.

Kuwento ng ating kasangga sa Senado, umuusok sa galit ang ilong ng mga Muslim. Dangan naman kasi, ang mga Muslim ang nagsakripisyo pero noong mag-number one si Bad Boy, iba na ang bumabakod kay Senator-elect Robin Padilla.

Ano nga ba ang ikinagagalit ng mga Muslim kay “Pretty Boy Goyo?” Anila, di na sila makadirekta kay Padilla. Lahat kailangan dumaan sa kanya – mga kukuning tao sa tanggapan ni Senator-elect Padilla, mga consultants, pati budget ng opisina at iba pa.

Ano ba si Pretty Boy Goyo sa senado? Isa ba siyang tagahawi, tagasala o sadyang epal lang? Ang totoo, wala naman masama sa pagpapairal ng tinawag na protocol. Bukod sa seguridad, bentaha rin sa ilalim ng mga umiiral na protocol ang kaayusan sa isang tanggapan ng pamahalaan – kesehodang ehekutibo, lehislatura o hudikatura.

Pero ang pakialaman ang lahat, tila kalabisan naman. Katunayan, maski mga consultants sa gobyerno, limitado lang ang saklaw ng mandato. May consultant for political affairs, mayroon din naman for media affairs, business development, at maging sa usaping legal lalo pa’t umiikot sa pagbalangkas ng batas ang trabaho ni Padilla sa senado. 

Sa aking pagsasaliksik, may nakapagbulong na sabit din pala si Pretty Boy Goyo sa isang ahensiya ng gobyerno – sa Philippine Information Agency (PIA). Pero ang mga nakapuwesto sa naturang ahensiya ng gobyerno, tikom ang bibig. Bakit kamo? Kasi nga nakasandal sa pader ang alanganing damuho.

Ang masaklap, ginagamit ni Pretty Boy Goyo ang pangalan ng mga senador sa kanyang mga diskarteng bulilyaso tulad ng mga transaksiyong kalakip sa pondo ng bawat senador. Ang kanyang diskarte, magpasok ng kontratista kapalit ang bonggang ganansiya sa mga proyekto at programa.

Sa gitna ng gitgitan kontra Muslim na tagasuporta ni Padilla, ano ba ang kanyang mahihita? Pera palit puwesto? Hindi naman siguro. Baka higit pa!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fernan Angeles

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …