Thursday , June 4 2026
Sanya Lopez

Sanya Lopez dapat tawaging Primetime Queen

HATAWAN
ni Ed de Leon

NANG matanong si Kylie Padilla kung alin ang mas pipiliin niya sa career at lovelife, ang kanyang sagot ay “career muna.” Tama naman iyon, pero sana ganyan din ang naging takbo ng isip niya noong panahong papataas na ang kanyang career. Isipin ninyo, ibinigay sa kanya ng GMA 7 ang pinaka-mahalagang role sa isang fantasy serye na ginastusan nang napakalaki. Pero nagkaroon ng problema, sa kalagitnaan ng serye, biglang nabuntis si Kylie.

Nalipat ang importanteng role kay Sanya Lopez, at tingnan ninyo kung ano ang nangyari ngayon, ayaw pa nilang aminin pero si Sanya na ngayon ang talagang matatawag at dapat tawaging Primetime Queen. Iyang ratings ng serye ni Sanya hindi lang ngayon. Mas mataas na ratings iyan sa lahat ng shows sa GMA 7, maliban lang sa Vilmanoong araw.

Sana ganyan ang naging kaisipan ni Kylie noong una pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …