HATAWAN
ni Ed de Leon
MAY liquor ban, nagkita sa isang coffee shop ang dalawang magkaibigang bading, at maya-maya ay may dumating na male star sa galing daw sa kampanya. Kilala ng isa ang male star. Nagbatian sila at nag-usap. Dahil may liquor ban na nga, nagyaya ang isang bading sa kanyang condo para “makainom” sila. Sumama naman ang male star.
Noong nalalasing na sila, tinangka ng mga bading na “galawin” ang male star. Hindi naman daw iyon tumutol hanggang sa
nahubaran nila. Ang kasunod siyempre “pinagsaluhan” ng dalawang bading
ang male star na hindi naman umangal.
Mukha nga raw nag-enjoy pa iyon
at nang maghiwa-hiwalay sila ay nagpasalamat pa iyon sa dalawang
bading. Naiwang nag-iisip ang dalawang bading, nag-enjoy kaya si male
star dahil bading din siya?