HATAWAN
ni Ed de Leon
Si Archie Alemanya ay isang comedian. Siguro naisip niyang kung magsasayaw nang parang nai-epilepsy pagtatawanan siya ng mga tao na nangyari naman. Natural sa isang comedian na laging mag-isip kung ano ang magagawa niya para mapatawa ang kanyang audience.
Nagkataon nga lang siguro na bago iyon, may dance steps din iyong Gab Valenciano na ganoon din. Iyong Gab ay isang dancer at gusto niyang patunayan na makasasayaw siya nang ganoon.
Hindi lang naman siya ang sumasayaw ng ganoon, ginawa na rin ng tatay niya iyan ilang dekada na ang nakaraan. Ginawa na rin iyan ng Kanong si Usher. Ginawa na rin ng Koreanong si Rain, at noon sinasabing lahat sila ay gumagaya kay Michael Jackson.
Magkaiba ang dahilan ng pagsasayaw nila ng ganoon. Sino naman ang nagbigay ng idea na ginawa iyon ni Archie para pagtawanan si Gab? Siya iyong comedian eh, natural gusto niyang sa kanya matawa ang mga tao.
Iyang mga Marites, ewan talaga.