Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rooftop Viva

Marco epektibong mamamatay-tao;
Nabura ang pagiging lover boy   

HATAWAN
ni Ed de Leon

NOON hindi kami makapag-comment kapag may nagtatanong sa amin tungkol sa acting ni Marco Gumabao. Ang totoo, wala pa kaming napapanood na buong pelikula ni Marco noon. Kung manood kasi kami minsan pasilip-silip lang. Siguro nga hindi rin kami masyadong naging interesado sa mga pelikula niya noon.

Noong isang araw, na-curious lang kami nang sabihin sa amin ni Eugene Asis na gusto niyang mapanood ang pelikula, kaya nakumbinsi na rin kaming sumama sa preview niyong pelikulang Rooftop.

Tungkol iyon sa mga estudyante na nag-happy-happy sa rooftop ng kanilang eskuwelahan kahit na bawal. Kinasabwat nila ang mga katiwala para payagan sila. Si Marco ang leader ng mga estudyante. Obvious na siya rin ang maraming pera. Sa sayawan, nagselos si Marco sa pagsasayaw ng syota niyang si Ryza Cenon kapartner si Epy Quizon. Sa katuwaan naitulak niya si Epy, kaya nahulog sa rooftop at namatay. May isang naging witness, si Allan Paule. Ginawan din ng paraan ni Marco na malasing iyon, mapabalik niya sa rooftop at maitulak din at namatay. Wala na nga namang witness, pero inusig sila ng sarili nilang konsensiya, tila binabalikan sila ni Epy hanggang sila ay mahulog din at mamatay na lahat.

Iyong hitsura ni Marco, pang-lover boy eh. Matinee idol ang dating, at hindi mo maiisip na magagampanan niya nang mahusay ang role ng isang mamamatay tao. Matatangay ka ng kanyang facial expression lalo na nang nagsinungaling siya tungkol sa dalawang napatay niya, na sinasabi niyang “may relasyon.” Malaking challenge iyon, kasi kung minsan, basta ang tingin ng tao sa isang matinee idol ay hindi dapat gumawa nang mali, unless napakagaling ng actor na magagampanan niya iyon nang husto. Ginawa iyan ni Aga Muhlach sa NUUK.

Ginawa rin ni Gabby Concepcion iyan sa Sinungaling Mong Puso. Pero bihira iyong mga actor na nakagagawa nang ganyan at nagawa iyon ni Marco sa Rooftop.

 Siguro nga dahil horror iyan, walang eksenang nagpa-sexy si Marco kagaya sa iba niyang pelikula, pero riyan naman napatunayan niyang kahit na walang ganoon kaya niyang magdala ng pelikula. Kahapon nagsimula ang theatrical exhibiton ng pelikula, sana naman tangkilikin iyan ng mga fan sa sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …