HINDI nakalusot ang party list mismo ni Nora Aunor sa COMELEC, dahil sa kakulangan niyon ng requirement at hindi napatunayang iyon ay kumakatawan sa isang grupo ng mga mamamayan. Pero
nangangampanya pa rin si Nora. Makikita mo siya sa TV commercial ng isang party list ng kanyang mga kababayan. Sa social media naman panay ang labas ng kanyang endorsement sa isang kandidato.
Hindi kami magtataka kung sasabihin din ng mga Noranian na, “roon muna kami sa
makapagbibigay kay Nora ng national artist title.”
Kanya-kanya lang namang interest iyan.
Ang pinupuna lang namin hindi nila naalagaan ang hitsura ni Nora sa ginawa nilang commercial. Ang taba ni Nora sa commercial, nagmukha tuloy siyang matanda. Dapat inisip nila, isa siyang sikat na aktres at dapat sana sa kanyang mga paglabas-labas na ganyan, siguruhin namang maganda ang kanyang dating.
Hindi siya dapat lumalabas nang hindi naka-ayos nang husto.