ni Ed de Leon
MATINDI pala ang raket ngayon ng isang Ermita pimp. Nagbubugaw siya ng mga male sexy star sa mga madatung na bakla, pero hindi lahat iyon ay totoo. Mayroon talaga siyang contact sa iba, pero ginagamit niya pati iyong wala namang nalalaman sa raket niya.
Contact din daw niya ang isang “talent manager “ng mga baguhang bagets model na inirereto nila sa mga foreigner na mahilig sa young boys. Ang modus, dinadala nila ang mga bagets sa mga kilalang resorts at doon na kinakatagpo ng kanilang foreigner clients. Siyempre malaki ang bayaran pero mas malaki ang napupunta sa mga bugaw kaysa ikinakasa nilang mga bagets.
Bakit nga ba hindi natitigil ang mga ganyang raket?