HATAWAN
ni Ed de Leon
DELETED na ang social media account ni Tom Rodriguez. Tama rin naman ang kanyang desisyon. Kaysa naman makunsumi siya sa mga Marites na wala nang ginawa kundi makialam sa buhay ng may buhay. Makukunsumi lang naman siya kung mababasa niya iyon at nakahihiya naman sa ibang mga tao ang pinagsasabi ng mga iyon sa kanya. Eh mabuti pa wala na, wala pa siyang kunsumisyon.
Sayang dahil sana kahit paano ay nagkakaroon ng kaalaman ang fans kung ano nga ba ang buhay ng kanilang mga iniidolong artista sa pamamagitan ng social media. Kaso may mga basher namang laging kontrabida, nadadala tuloy ang mga artista na
mag-open up.
Ewan nga ba kung bakit sobra kung makialam ang ilan sa atin. Akala mo matatalino na alam ang lahat ng bagay. Kumustahin naman kaya natin ang mga buhay nila?
Tama si Tom, lumayo na lang siya sa kunsomisyon.