ni Ed de Leon
“BIG time” na ang mga “sideline” ngayon ng isang dating sikat na matinee idol. Kung dati ay nakaka-date siya ng mga nagpupunta sa paborito niyang coffee shop, dahil ngayon nga ay nadampot siya ng isang milyonaryong gay na foreigner, pa-tour tour na lang siya, at siyempre doon nagaganap ang pagsasalo nila ng kaligayahan ng bading na foreigner niya.
“Magki-click iyan dahil all around naman si matinee idol. Ano man ang hingin sa kanya ng afam ay kaya niyang ibigay. Matagal na namang sing and dance iyan eh, basta tama lang ang presyo,” sabi ng isang fashion designerna ilang ulit na ring naka-date ni matinee idol.
“Mayroon siyang ginagamit para hindi niya maramdaman ang sakit,” sabi pa ng gay.
Aba mukhang professional na nga sa kanyang sideline si matinee idol. Kung naging ganyan din siya ka-professional sa kanyang career ‘di sana hanggang ngayon matinee idol pa rin siya.