ni Ed de Leon
TALAGANG inaabangan ng isang BL star, na hindi naman itinatagong talagang nai-in love siya sa boys, isang poging dancer at social media endorser, matapos niyang marinig ang tsismis na nakipag-split na iyon sa dating karelasyon.
Pero nadesmaya ang BL star nang malaman niyang ang iniilusyong dancer model ay mas girl pa pala sa kanya, at kaya iyon hiniwalayan ng dating ka-on dahil masyado na ngang bumigay sa ngayon. Mukhang nagsasayaw na rin iyon ng ballet sa ibabaw ng platito.
Minsan daw nadesmaya rin ang ilang “friends” na nag-invite sa dancer-model sa kanilang private party. “Pogi nga pero makikita mo namang may curlers sa buhok, huwag na lang,” sabi pa raw ng isa.
Talagang parang bagoong iyan. Mahirap itago.