HATAWAN
ni Ed de Leon
NAGTATRABAHO na pala ang dating male star na si Mark Neumann bilang financial adviser sa isang insurance company. Siguro nga kung hindi man siya sinuwerte sa kanyang career bilang artista baka naman sa bago niyang propesyon ay umasenso siya. Matagal na rin naman siyang hindi napapanood. Iyong kanyang last ay isang gay series na ipinalabas sa internet bago pa ang pandemic.
Nagsimula iyang si Mark sa TV5 at kahit na hindi siya ang grand winner sa kanilang talent search, iyong kanyang itsura at
malakas na personality ang mas napansin, kaya nga siya ang nabigyan
nang mas malaking break. Ginawa siyang bida sa remake ng isang Korea novela noon sa TV5, at kalaunan kinuha rin siya ng ABS-CBN at maging ng GMA. Pero noon ang sinasabi nga, basta na-in love siya nasisira rin ang diskarte niya sa kanyang career. Una siyang na-in love noon doon kay Pastillas girl na hindi rin naman tumagal. Tapos may naka-live in pa siya sa kanilang ancestral house sa Batangas. Ngayon may sinasabing partner ulit niya pero hindi rin sila kasal.
Sana magtagumpay na siya sa bago niyang propesyon, talagang mahirap makasingit sa showbiz ngayon.