Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Robert Peñafrancia, 58 years old, nagtatrabaho sa isang kompanya ng sapatos at naninirahan sa Marikina City.
Sa tulong po ni Yahweh El Shaddai, ako po ay nabiyayaan ng kakayahang magdisenyo ng iba’t ibang sapatos.
Medyo humina na rin po ang kita namin pero marami-rami pa rin ang nagpapasadya ng sapatos sa panahong ito.
Ise-share ko po sa inyong mga mambabasa at tagapagtangkilik ang benepisyong naidudulot sa akin ng regular na paggamit ng Krystall Herbal Oil at at Krystall Nature Herbs.
Sa trabaho po kasi, hindi lang naman ako basta nagdidisenyo ng sapatos, may panahon na kailangan ko rin manahi o kung minsan ay magbuhat.
Minsan naman kailangan namin mag-overtime lalo na kung may hinahabol kaming orders.
Sa araw-araw na pagtatrabaho, kapag umuuwi ako sa bahay kailangan ko pong mag-relax. Kaya ang ginagawa po ni misis pagkatapos namin kumain, iinom po kami ng Krystall Nature Herbs.
At pagkatapos, maghilamos o maglilnis ng katawan, naghahaplos po kami ng Krystall Herbal Oil. Bukod sa naipadarama namin sa isa’t isa ang aming pagmamalasakit, nakatutulong din po ito para patuloy kaming maging malapit sa isa’t isa.
Maraming salamat po Sis Fely, dahil ang mga imbensiyon ninyo ay tunay na essential sa pang-araw-araw na pamumuhay.
God bless po.
ROBERT PEÑAFRANCIA
Marikina City