ni Ed de Leon
IYAN ang sinasabi sa mga batang iyan eh, “huwag hihipuan ang partner lalo na kung nagda-drive.” Tignan ninyo ang nangyari sa
“bi” na male star, nahulog sa malalim na drainage ang kanilang sasakyan. Muntik pa silang bumaliktad. Mabuti may mga taong nakakita sa pangyayari at natulungan silang makalabas sa sasakyan nila.
Kasi naman eh,dapat may oras para sa “kalikutan” at may oras para mag-behave lalo na nga kung tumatakbo ang sasakyan at ang partner ninyo mismo ang nagmamaneho.
Iyan ang mga dapat iwasan kung magda-drive, una huwag uminom ng alak. Huwag gumamit ng gamot na nakaaantok gaya ng mga gamot sa ubo at sipon. At lalong pakaiwasan iyang panghihipo.
Hindi magandang gawain iyan, maaaksidente pa kayo.