HATAWAN
ni Ed de Leon
AKALA namin ay hindi bibigay at talagang matino ang isang baguhang poging male star. Iyon pala, naghihintay lang ng magandang pagkakataon at “malaking offer.”
Nang maalok daw ng “malaking offer” at siguruhin namang hindi siya iwa-one time lang, sumama na rin si male star sa isang dirty old, pero madatung na gay. Hindi naman daw nagsisi si male star dahil mabait naman at hindi talaga siya nabastos sa matandang gay.
Sumunod daw naman iyon sa gusto niyang limits. Ang sabi daw ng gay, talaga lang mahilig siya sa mga “young at fresh” dahil ang feeling niya ay bumabata rin siya.
Kaya huwag na kayong magtaka kung madagdagan na naman ang alahas na suot ni male star sa ngayon.