CUTE naman siya talaga noong araw, kaya siya sumikat. Nang i-build up siya bilang singer, mas lalo siyang sumikat.
Pero iyang kasikatan nga ng isang artista, kung hindi properly managed, at nagkataon naman palpak ang manager nila noon, nawala ang kanilang boy band.
Nag-abroad si pogi at doon ipinagpatuloy ang kanyang career. Pero ngayon may kuwento pang lumalabas. Mukhang “bumigay” na rin si pogi, meaning lantad na ang paghahanap niya ng kapwa niya pogi.
Pero ano nga ba ang pakialam natin kung ano man ang sexual preference niya sa ngayon. Iyon naman ay mga bagay na personal na niya. Wala naman nagrereklamo. Wala naman siyang inaagrabiyado, so ano nga ba ang pakialam natin sa kung ano man ang ginagawa niya?
Nakatutuwa pa nga, dahil ano man ang sabihin nila, nakabuo naman siya ng career sa abroad.
(Ed de Leon)