Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Muhlach Charlene Gonzalez

Aga at Charlene nagpapagaling na, naghihintay ng clearance para makabalik ng ‘Pinas

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGPUNTA sa US sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales noong  Kapaskuhan para makasama sa bakasyon ang anak nilang lalaking si Andres, na nag-aaral naman sa Spain. Nasa bakasyon sila nang unang makaramdam ng symptoms si Charlene, at matapos ngang makapagpa-test, lumabas na siya ay Covid positive. Hindi nagtagal ay nakadama na rin ng symptoms si Aga, kaya sabay na ang kanilang ginawang isolation.

Ibinalita naman ni Aga sa kanyang social media account na hindi rin naman sila nahirapan dahil may isang grupo ng mga doctor na Filipino na tumulong sa kanila. Mabuti rin naman at hindi nahawa ang anak nilang si Andres hanggang sa magbalik iyon sa Spain para ituloy ang kanyang pag-aaral.

Sa ngayon ay nagpapagaling pa ang mag-asawa at naghihintay sila ng clearance mula sa kanilang doctor na wala na nga silang sakit at maaari nang magbiyahe pabalik sa Pilipinas. Inaalala rin naman nila ang anak nilang babaeng si Atasha, na naiwan dito at hindi naman nila inaasahang malalayo nga sila ng matagal. Eh nagkasakit sila at hindi nga maaaring bumiyahe.

Iyan ang problema ngayon ng pagpunta sa abroad, lalo na nga sa US na mas mataas at mas matindi pa ang kaso ng Covid kaysa rito sa atin. Maraming nagbiyahe, at hindi inaasahang nahawa rin. Ang masakit pa, may mga bumiyahe na hindi naman nag-iisip na sila ay mahahawa at mahaharap sa malaking gastos. Kaya nasa abroad na nga sila, wala pa silang pera at malaking problema iyon.  Suwerte nga nina Aga na hindi naman kinapos ng pera kahit na nasa abroad.

Kaya nga sa panahong ito, sinasabing hindi practical ang magbiyahe dahil ang umiiral na pandemya ay pandaigdig at hindi ka nakasisiguro sa sitwasyon ng bansang pupuntahan mo. Lalo na nga ang US dahil doon ay mas maraming anti-vaxxer, bukod nga sa mga ayaw pang magsuot ng face mask.

Talagang na panahon ngayon, wala nang mas mabuti pa kundi manatili sa sarili mong bayan, na alam mo more or less kung ano ang totoong sitwasyon, makapag-iingat ka nang husto at kung sakali mang magkasakit ka ay alam mo na kung saan ka pupunta at ano ang gagawin mo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …