HATAWAN
ni Ed de Leon
KULANG na lang daw yayain na ni Enrique Gil na magpakasal na sila ng kanyang syotang si Liza Soberano, matapos niyang aminin sa publiko na iyon nga ay ang kanyang “one and only.”
Noon pa naman ay inaamin na ng dalawa na sila nga ay magsyota, pero kahit na sabihin mong nasa tamang edad na rin naman sila, wala namang dahilan para magmadali silang pakasal.
Nagkaka-intindihan naman sila at siguro nga mas mabuting mas malaman pa nila ang ugali ng isa’t isa bago sila pakasal. Kasabihan na nga, “a long courtship makes a better marriage.”
Kami ay naniniwalang doon na talaga patungo ang dalawang iyan, pero hindi naman natin sila dapat madaliin. Hintayin na lang natin kung kailan.