REALITY BITES
Dominic Rea
SA virtual mediacon ng pelikulang The Exorsis na ipalalabas na sa December 25 bilang Metro Manila Film Festival official entry, pansin naming medyo tumaba si Alex Gonzaga. Halatang ‘yung dati niyang flat na dibdib, aba’y bumubulwa ito ngayon at lalo siyang gumanda.
As usual, kalog na kalog pa rin si Alex sa pagsagot sa mga ibinatong tanong ng press. Tinanong namin sila kung ‘yung pagiging Exorsis nila o Sissies ay nag-exist noong panahong siya ay nakunan at nagdadalamhati.
Agad naman itong sinagot ni Alex na kahit hindi niya man naramdaman physically ang kanyang Ate Toni (Gonzaga) that time dahil may sariling family na rin ito at hindi na nakatira sa kanila ay ramdam niya pa rin ang pagmamahal sa kanya. Maya’t maya raw siyang mini-message at tinatawagan.
Aniya, ramdam niya rin ang presensiya ng Soriano family noong panahong ‘yun at ipinagpapasalamat niya ito.
Bongga ang Sissies forever! Panoorin natin ang pelikulang ito dahil matatakot tayo, matatawa, at maiiyak. ‘Yun na!