HATAWAN
ni Ed de Leon
NAGSISIKAP si male star na itago ang tunay niyang pagkatao, kasi sa panahon nga namang ito maraming mga babae at maging mga bading na nababaliw sa kanya, lalo na’t panay nga ang pa-sexy niya sa social media. Hindi naman maikakaila na sexy ang dating ng kanyang katawan at pogi naman siya.
Kaso parang ang hirap pigilin ng mga kaibigan niya simula pa noong araw na puro Karen at Marites na ibinubuking naman ang kanyang sexual preference noong araw pa. Hindi mapatigil ang bansag sa kanya noong araw na “reyna ng Malate.” Noon daw kasi, hindi pa siya star sa showbiz, star na siya sa mga gay watering holes sa Malate.
Hindi nga ba naman?