Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Orestes Ojeda
Orestes Ojeda

Beteranong actor na si Orestes Ojeda namatay sa cancer

HATAWAN
ni Ed de Leon

PUMANAW na si Orestes Ojeda noong Martes ng madaling araw. Pancreatic cancer ang kanyang ikinamatay at sa Linggo ihahatid sa huling hantungan.. Pribado ang burol at limitado ang mga taong maaaring makiramay dahil na rin sa pinaiiral na safety protocols sa kasalukuyan.

Iyong mga kabilang sa mas naunang henerasyon kaysa kasalukuyan, kilalang-kilala si Orestes. Siya iyong sexy matinee idol noong kanyang panahon. Seventeen years old lamang siya at isang junior varsity basketball player ng UE nang makilala at kumbinsihin ni director Joey Gosiengfiao na mag-artista. Nakasama nga siya sa mga pelikula noon ng Cine Pilipino, ang grupo ni Gosiengfiao, at nang ang grupo ay maglipatan naman sa Regal Films na nagsimula na ring mag-produce ng mga local movies mula sa dating pagiging distributor ng mga pelikulang dayuhan lamang, nakasama rin si Orestes sa Regal.

Naging leading man siya ng lahat halos ng mga malalaking artista sa pelikula. Nakatambal niya sina Amalia Fuentes, Alma Moreno, at maging si Congw. Vilma Santos ay nakasama niya sa pelikula. Bagama’t nagsimula siya bilang isang sexy actor, kinilala siya bilang isa sa pinakamahusay sa pelikula at telebisyon. Malalaking roles ang ibinibigay sa kanya.

Hindi makalimutan ng kanyang fans ang unang-unang eksena ni Orestes sa pelikula, isang action fantasy film iyon, biglang may tumaas na lupa, naghugis tao, tapos hubo’t hubad na lumalakad patalikod, si Orestes nga iyon. Doon naman sa sinasabing pinaka-kontrobersiyal niyang pelikula, nahuli niya ang kanyang asawa na may katalik na iba. Binaril niya ang dalawa. Tapos nakipag-sex siya sa kanyang patay na asawa at nang umabot sa rurok ay nagbaril din sa sarili. Kinabaliwan si Orestes ng mga babae at gay na fans noong kanyang panahon. Madalas siya sa cover at posters ng mga fan magazines noong araw. Ibinebenta rin ang mga picture niya sa bangketa. Nalagay din siya sa cover ng mga notebook.

Pero lahat nang iyan ay tinalikuran ni Orestes nang malaunan para sa isang mas matahimik na buhay. Nahilig din siya sa pagpipinta at pagkaraan ay nagtayo na rin ng sariling art gallery na naka-display ang mga trabaho ng mga “master” na kanyang nabibili, at ibinebenta rin.

Napanatili rin ni Orestes na tahimik at pribado ang kanyang pamilya. Ngayon nga ay wala na siya at kahit sabihing matagal na naman siyang hindi gumagawa ng pelikula, malungkot ang lahat dahil hindi na nga siya makagagawa pa ng pelikula kailanman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …