Tuesday , April 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi tatakbo nga ba sa mas mataas na posisyon?

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG pakikinggan mo ang mga sinasabi sa social media, talagang itnutulak nila si Congresswoman Vilma Santos na tumakbo para sa mas mataas na national positions. Pero karamihan naman ng nagpu-push na iyan ay mga fan din, galing sa isang grupo ng mga Vilmanian. Iyong mas naunang grupo ang stand nila ay maghihintay sila kung ano man ang maging desisyon ni Ate Vi. Ayaw nilang pangunahan ang idolo nila.

Tama naman iyon dahil siyempre si Ate Vi ang mas nakaaalam kung ano ang mabuti para sa kanya at mas mabuti para sa mga constituent niya.

“Alam mo natatawa na lang ako, at natutuwa rin naman dahil sa kanilang show of support hanggang ngayon kahit nga limang taon na silang walang napapanood na pelikula ko. Buti nga naipalalabas pa ang

mga dati kong pelikula sa cable, lalo na iyong mga classic talaga. Ako rin mismo nanonood ng pelikula ko noon at iniisip ko talaga kung paano ko ba nagagawa ang mga pelikulang iyon in the past.

“Actually basta nanonood ako, ang totoo nami-miss ko ang pagiging isang artista. Noon ngang minsan, nag-soft opening sila ng MET sa Maynila, nabanggit pang matagal naming ginamit iyon sa TV show ko. Nagbalik talaga sa alaala ko lahat iyong experiences ko sa Met. Masarap maging artista at sa totoo lang miss ko ang dati kong trabaho.

Kaya lang may iba akong responsibilidad ngayon.

“Iyan namang pagtakbo kung saan mang posisyon, hindi mga fan ang magde-decide niyan. Kailangang hintayin ko ang desisyon ng partido, ang sasabihin ng mga constituent ko, at saka ako gagawa ng desisyon, pero matagal pa iyan. Hindi ko kailangang magmadali.

“Basta sa ngayon kung ako nga ang tatanungin, mas gusto ko sa Batangas na lang muna ako dahil marami pang magagawa rito, na kailangan talaga,” sabi ni Ate Vi.

Ngayon ba talagang nasa Batangas siyang lagi?

“Oo naman pero minsan nakakauwi pa rin ako, kasi awa naman ng Diyos, kritikal pero hindi naman sumabog nang malakas ang Taal. Sana nga ganyan na lang. Iyan ang ipinagdarasal namin. Sabi ko nga sa kanila, kapag tumahimik na ang Taal, ibalik na iyong fluvial procession sa Taal lake na ginagawa namin dati. Sa ganyang mga bagay walang makatutulong sa atin talaga kundi ang Diyos,” sabi pa ni Ate Vi.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Beautéderm Rhea Tan namahagi ng tulong delivery riders tricycle drivers

Beautéderm CEO na si Rhea Tan, namahagi ng tulong sa 200 delivery riders at tricycle drivers 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABIYAYAAN ang 200 delivery riders at tricycle drivers ng mga …

Salome Salvi

Kasong isinampa kina Salome at Tyo Bri ng KSMBPI tuloy pa rin

HARD TALKni Pilar Mateo TULOY pa rin ang paghahatag ng kaso ni Dr. Michael Raymond A. …

Chanty Marian Rivera

Chanty kumasa kay Marian, nagpagiling-giling at ‘di nagpahuli sa pagkembot 

I-FLEXni Jun Nardo KUMASA ang baguhang si Chanty kay Marian Rivera para sayawin ang Marimar dance icon na nagpasikat sa GMA …

Joseph Bitangcol Sandara Park Park Bom

Joseph ipinagtanggol si Sandara: 100% na hindi niya gagawin ‘yon

MA at PAni Rommel Placente Walang pagdadalawang-isip na ipinagtanggol ni Joseph Bitangcol ang ex- girlfriend na si Sandara …

Nicole Sonora Sheryl Cruz Boy Abunda Rams David

Anak ni Sheryl na si Nicole papasukin na rin pag-aartista 

MA at PAni Rommel Placente DAHIL artista ang kanyang inang si Sheryl Cruz at mula sila sa …