Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi kalmado sa muling pag-alburuto ng Taal

HATAWAN
ni Ed de Leon

MEDYO panatag na ang kalooban ni Congresswoman Vilma Santos nang huli naming makausap. Medyo kalmado na siya kaysa noong unang banta ng sabog ng Taal Volcano. Hindi naman apektado ang Lipa, kundi dalawang bayan lamang na sinasabing sakop ng danger zone, iyong Agoncillo at Laurel. Pero nang marinig niyang kusang nag evacuate at nabigyan naman ng tulong ng pamahalaang local, at maging ng national government, napanatag na ang loob niya.

Isa pa, nakapagbigay na rin naman siya ng instructions sa kanyang base sa Lipa na maghanda na rin para sa relief operations kung sakaling kakailanganin, at nang sabihin naman sa kanya na naihanda na iyon, ayos na rin. Hindi mo kasi maialis sa kanya na mag-alala basta may problema sa Batangas, hindi lang sa Lipa.

“Probinsiya namin iyan eh, at kahit na sabihin mong ang kinakatawan ko lang ngayon ay ang Lipa, siyam na taon akong governor ng Batangas, kaibigan ko ang lahat halos ng nanunungkulang local officials sa Batangas, nasanay na ako sa mga tao sa buong probinsiya kaya hindi ko maaaring pabayaan ang mga iyan. Basta nakita kong may problema, hindi naman ako maaaring mamili ng tao eh. Kung sino ang unang mangailangan ng tulong tutulungan mo na iyan. Hindi nga ba sinasabing may kaugalian tayong mga Filipino, na kahit na isusubo mo na lang at may makita kang higit na nanga­ngailangan ibibigay mo pa. At dito sa Batangas ganyan ang ugali ng mga tao, hindi maaaring hindi ka tutulong,” sabi ni Ate Vi.

Pinakinggan ba naman ang kanyang mga naunang panawagan?

“Alam mo ang totoo, ang feeling ko nanay pa rin ako sa Batangas eh, kaya kailangan paalalahanan ko ang mga anak ko. Nakatutuwa naman at nakikinig sila. Marami ang tumatawag sa akin para sabihin na ok na sila sa barangay nila. Iyong mga kaibigan naming mga pari at madre, tumawag din para sabihing oo ipinagdarasal na nila ang buong Batangas. Pero naiyak nga ako noong sinabi nila, ikaw  ipinagdarasal ka rin namin, huwag kang masyadong mag-alala dahil ayaw naming magkasakit ka.

“Iyon bang sa mga sinasabi nila, alam mong minamahal ka rin

nila. Sabi ko nga, ibinigay ko nang tapat ang serbisyo ko, at ngayon

inaani ko na ang bunga niyon, ang pagmamahal ng mga kababayan ko,” sabi ni Ate Vi.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …