Thursday , June 4 2026

Yorme bida na naman (Installation ni Manila Archbishop Advincula pinangunahan)

HATAWAN
ni Ed de Leon

BIDA na naman si Yorme Isko Moreno. Paglabas ni Jose Cardinal Advincula sa Arsobispado, ang sumalubong sa kanya at nanguna sa isang civil ceremony ay si Yorme siyempre, Maynila eh. Doon sa parangal na sibil, dumating din ng maaga si Mayor Francis Zamora ng San Juan kahit na pista rin sa kanilang lunsod, si Makati Mayor Abby Binaysi Mayor Carmelita Abalos ng Mandaluyong, at Mayor Imelda Rubiano ng Pasay. Bawat isa ay naghandog ng ceremonial key ng kanilang lunsod sa bagong arsobispo ng Maynila habang ipinakikilala sila at binabanggit ang mga mahahalagang simbahan sa mga lunsod nila.

Siyempre ang last, ang Mayor at Vice Mayor ng host city, ang Maynila, si Yorme Isko at Vice Mayor HoneyLacuna na naghandog din ng ceremonial key to the city.

Sa natatandaan namin, at ilang pagpapalit na nga ba ng arsobispo ng Maynila ang aming nasaksihan, ngayon lamang nagkaroon ng ganyang civil ceremony sa installation ng isang arsobispo. Usually ginagawa lamang iyan sa loob ng simbahan, at ang arsobispo ay bumababa na lang sa sasakyan sa harap ng katedral.

Sa civil ceremony, tinugtog pa ng isang banda ang pambansang awit at ang awit ng Maynila sa pagsisimula. Habang naglakakad din ang Cardinal patungo sa Katedral, tumutugtog ang banda ng lunsod ng Maynila at ang banda ng Philippine Navy.

Siguro nga ang kaibahan, ang mga nauna kay Cardinal Advincula ay naging arsobispo muna ng Maynila bago naging cardinal.

Ganyan si Rufino Cardinal Santos na nanggaling sa Lipa, si Jaime Cardinal Sin na nanggaling sa Jaro, si Cardinal Gaudencio Rosales na galing din ng Lipa. Pero si Cardinal Advincula, nauna siyang ginawang cardinal bago inilagay na arsobispo ng Maynila.

Ngayon lang din nangyari, dahil naman siguro sa pandemya, na ang installation ng arsobispo ng Maynila ay may TV coverage simula sa umpisa hanggang sa matapos. Kalahating araw iyong ipinalabas sa TV at sa napakaraming Catholic websites sa internet. Lahat yata ng parokya inilabas iyon sa kanilang social media page.

Sa totoo lang, natakpan niyon ang iba pang mga balita kahapon ng umaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …