Monday , February 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday ipinagmalaki walang natanggal na empleado kahit may pandemya

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATUTUWA raw si Judy Ann Santos dahil sa kabila ng nangyaring pandemya at talagang bumagsak ang negosyo kasabay ng ekonomiya ng bansa, wala isa man sa mga empleado niya sa kanyang restaurant na nawalan ng trabaho. Mabilis kasi ang kanilang desisyon, noong ipasara pati ang mga restaurant, naisip nila agad ang take out at on line deliveries.

Sarado ang kanilang restaurant pero tuloy ang pagluluto at paghahanda ng pagkain.

Una, may mga loyal customer na sila na hinahanap siguro ang luto nila, ganoon din naman ang mga fan ni Juday na natural nakasuporta at bakit nga ba hindi sila magpapa-deliver din kayJuday on line?

Pero kung ibang kapitalista iyan, isasara niyan ang negosyo. Hindi sila susugal sa ganoong sitwasyon pero ang naisip kasi nila ay ang kanilang mga tauhan. Para ring Hataw, lockdown, walang lumalabas ng bahay, walang bibili ng diyaryo, pero naisip ni Boss Jerry Yap na kailangang ipagpatuloy ang paghahatid ng balita, at para magpatuloy din ang hanapbuhay ng mga tauhan ng mga manggagawa.

Ganyan talaga basta may konsiyensiya ang may-ari.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …