Tuesday , May 7 2024

Pagtataas ng TF ni Bea maling diskarte

HATAWAN
ni Ed de Leon

MUKHANG hindi nga magandang balita iyong tungkol kay Bea Alonzo na ang hinihingi raw talent fee ay “napakataas” at gustuhin man ng GMA, parang hindi na wise na siya ang kunin. Iyan ay para sa isang pelikula na pagtatambalan sana nila ni Alden Richards.

Siguro inisip nga nilang magpresyo ng ganoon dahil paano nga naman kung kumita ng kagaya niyong pelikula nina Alden at Kathryn Bernardo? Pero parang maling diskarte iyon, dahil si Bea, sikat man at magaling na aktres talaga, ay wala pang box office record na gaya ni Kathryn. Kay Kathryn ang kredito niyon dahil kung natatandaan ninyo, bago ang pelikula ni Alden, kumita na rin nang halos ganoon kalaki ang pelikula niya kasama si Daniel Padilla. Si Bea naman ang nakukuhang gross ng mga pelikula ay halos kalahati lamang ng pelikula ni Kathryn.

Dapat din nilang inisip na may pandemya at bagsak ang ekonomiya. Baka kahit na magbukas na ang mga sinehan hindi rin naman ganoon kalakas ang mga pelikula dahil marami sa mga tao ang nawalan ng trabaho, at natural bago unahin ang dibersiyon, pagkain na muna ang kanilang pagkakagastahan.

Dapat isipin din ang mas lumaking halaga ng produksiyon ng pelikula dahil sa mga dagdag na safety measures na itinakda para sa mga shooting ng pelikula na noong araw naman ay wala sa batas. Ngayon may nagpatupad na lang ng ganyang regulasyon na ewan naman kung sinusunod nila mismo sa mga ginagawa nilang indie. Kung susundin mo iyong safety measures nila, mahigit pa iyon sa total cost ng isang indie.

Pero ang mga bagay na iyan ang dapat isipin at isaalang-alang bago humingi ng mala-gintong presyo para lumabas sa isang pelikula. Sa katataas nila ng presyo, baka wala na ngang kumuha sa kanila na lalong hindi maganda para sa kanilang career.

Iyan ang karaniwang problema sa mga sikat na stars, masyadong itinataas ang kanlang talent fee hanggang sa wala nang makakaya sa kanyang presyo at wala na ring kumuha sa kanya. Sino ba ang gagawa ng pelikula na ang kikitain ay mapupunta lamang sa isang artista.

 

 

About Ed de Leon

Check Also

Francine Diaz Orange and Lemons

 Francine, Orange and Lemons nagkapaliwanagan nagka-ayos 

MATABILni John Fontanilla NAGKAHARAP na noong Biyernes sina Francine Diaz, Clem Castro ng Orange and Lemons kasama ang kani-kanilang managers …

Deniece Cornejo Cedric Lee Zimmer Raz

Deniece mas maayos ang kalagayan kompara kina Lee at Raz

SI Deniece Cornejo tahimik na sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong. Mas maayos naman ang kalagayan …

Vhong Navarro Cedric Lee Deniece Cornejo

Cedric, Deniece guilty sa mga kasong isinampa ni Vhong

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAHATULAN ng guilty beyond reasonable doubt sina Cedric Lee at Deniece Cornejo sa kasong …

Bea Alonzo Cristy Fermin Ogie Diaz 2

Bea nagsampa ng mga kaso laban kina Cristy at Ogie

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGHAIN si Bea Alonzo ng tatlong magkakahiwalay na criminal case at cyber …

Bea Alonzo Cristy Fermin Ogie Diaz

Bea Alonzo naghain ng kasong cyber libel vs Cristy Fermin, Ogie Diaz

SINAMPAHAN ng tatlong magkahiwalay na cyber libel sa Quezon City Prosecutor’s Office ni Bea Alonzo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *