Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jasmine tinitiris ng AlDub

HATAWAN
ni Ed de Leon

SINASABI na nga ba namin noon pa eh, magiging nega ang dating nina Alden Richards at Jasmine Curtis Smith. Hindi natin maikakaila na hanggang ngayon pinaninindigan ng AlDub Nation iyong kanilang stand, kaya kahit na umamin nang magsyota sina Maine Mendoza at Arjo Atayde, hindi nila tinatanggap at nega rin sa kanila. Kaya mapapasin naman eh, malaki ang ibinaba ng popularidad ni Maine, at si Arjo hindi halos maka-angat ang popularidad.

Si Alden ganoon din ang nangyayari. Oras na si Alden itinambal mo sa iba, nega ang magiging dating niyon. Kaya lang sila sumuporta kay Kathryn Bernardo dahil una, malakas ang fan-backing ng KathNiel, pangalawa alam nila na hindi naman magpapaligaw si Kathryn kay Alden dahil syota na iyon ni Daniel Padilla.

Ngayon tingnan ninyo, picture pa lang ang lumalabas, binabanatan na ng fans, eh ‘di lalo na kung magsisimula na ang kanilang serye. Eh iyan namang Jasmine wala pang fan backing eh, ano nga ba ang maaasahan mo? Titirisin lang iyan ng AlDub.

Iyong sitcom nga ni Maine. Ipina-boycott ng AlDub noong i-guest si Arjo, naapektuhan eh kahit na sabihin mong naroroon pa si Vic Sotto, eh iyan pa ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …