Wednesday , May 7 2025
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Bukol sa likod naglahong parang bula sa Krystall herbal oil

Dear Sis Fely Guy Ong,

        Ako po si Rolando Señales, 63 years old, taga-Pasay City.

Matagal na po akong tagasubaybay ninyo at suki ng inyong Krystall Herbal Oil at iba pang produktong Krystall, gaya ng Krystall Vitamin B-Complex at Krystall Nature Herbs.

Hindi na po yata ako mabubuhay kapag hindi ko kasama ang Krystall Herbal Oil sa aming tahanan.

Nito pong nakaraang lockdown, masyado yata akong na-depress dahil hindi ako makalabas ng bahay. Halos hindi na rin po ako makatulog dahil sa labis na pag-aalala.

Ang ginawa ko po, hinaplos-haplos ko ang aking noo at sentido ng Krystall Herbal Oil. Mabilis po akong nakaramdam ng pagka-relax hanggang makatulog. Simula po noon ganoon ang ginawa ko.

Minsan naman po, biglang nangati ang lalamunan ko. Natakot ako baka kako na-CoVid ako. Agad po akong uminom ng Krystall Nature Herbs habang hinaplos-haplos ko ng Krystall Herbal Oil ang aking lalamunan.

Parang nagdahilan lang po ako dahil nawala agad ang pangangati ng lalamunan ko. Patuloy ko rin pong iniinom ang Krystall Vitamin B-Complex.

Pero ang higit na ikinatuwa ko ‘yung naglahong bukol sa likod ko. Dati lagi ko itong nakakapa na parang malapit sa pulmon ko. Sa loob ng dalawang linggo pagkatapos ko maligo at bago matulog ay ipinahahaplos ko ng Krystall Herbal Oil sa anak ko.

Maniwala po kayo, ngayon wala na akong nakakapang bukol pero tuloy-tuloy pa rin po akong nagpapahaplos sa likod ko.

Kaya hanggang ngayon po, lagi kong kasama sa araw-araw ang mga produktong Krystall.

Lagi po kaming nagpapasalamat ng aking pamilya dahil ang inyong mga produktong Krystall ay katuwang namin sa pangangalaga ng aming kalusugan.

Mabuhay po kayo Sis Fely.

 

Ang inyong tagasubaybay,

 

ROLANDO SEÑALES

Pasay City

 

About Fely Guy Ong

Check Also

SM Hypermarket Complete Home 2025

Complete Home 2025: Budols That Bring Joy to Your Home

SM Hypermarket’s Complete Home is Back — where incredible savings and home upgrade inspiration come …

Krystall Herbal Oil

Pantal at butlig pagkaligo sa ilog tanggal sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall Herbal Oil

Krystall Herbal Oil garantisadong panlaban sa heat wave

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

PAPI Senate Survey

Bong Go, Marcoleta, at Tulfo Nanguna sa Kalye Survey ng mga Motorista at Mamimili sa Palengke

Nanguna sina Senator Bong Go, Rep. Rodante Marcoleta, at broadcaster Erwin Tulfo sa isang kalye …

GameZone 1

GameZone sets Tongits battlefield with GTCC: Summer Showdown

Participant of 2024 Tongits Champions Cup celebrating. GameZone ignites the summer season with the sizzling …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *