Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rachel sinundo pa para mabakunahan

ANG suwerte ni Rachelle Alejandro, nagku­kuwento siya sa social media, sinundo siya papunta sa vaccination center, Nag­pabakuna siya ng Johnson and Johnson, na mas malaganap na ginagamit ngayon sa US at Canada dahil bihira raw ang masamang epekto, at saka single dose lang ang kailangan. Hindi na uulitin pa.

Nasa New York kasi si Rachelle. Suwerte iyong mga nasa  abroad, eh dito sa atin gawang China na nga lang ang bakuna na wala pang kasiguruhan ang epekto, pahirapan pa. Lockdown pa. May sinasabi  mang ayuda umasa ka pa? Noong nakaraang taon, may natanggap kami tatlong kilong bigas na may amoy, tatlong lata mg Toyo sardines, isang lata ng corned beef na CDO, dalawang sachet na kapeng 3 in1, at iyon ay isang taon na ang nakalipas. Mabuti rito sa Hataw binigyan kami ng 25 kilong bigas na mamahalin pa. Mabuti pa iyong kapitbahay ko, may trabaho may kotse, ang anak nag-aaral sa isang malaking kolehiyo, pero dalawang beses nakakuha ng SAP, at limang ulit daw na nahatiran ng groceries. Pero hindi na namin sinisisi, lahat naman halos ng opisyal ng barangay namin tinamaan na ng Covid, kami hindi.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …