Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Movie ni Juday walang laban sa kalidad ng foreign movies

NABASURA ang pelikula ni Judy Ann Santos sa Oscars na siyang ipinadala nating nominee para sa foreign language film category. Hindi tayo kailangang magpilit sa ganyan eh, dahil hindi tayo handa. Wala talaga tayong laban sa kalidad ng ibang mga pelikula.

Isipin ninyo, ang puhunan nila sa mga pelikula nila ay daang milyon ang halaga, iyong pelikula ni Juday ay isang indie, na kahit na rito sa atin barya lang halos ang puhunan diyan. Paano namang lalaban iyan sa mga high budget movies?

Hindi lang parang “David and Goliath” ang laban na iyan. Parang Taciong Tangkad na inilaban mo kay Godzilla. Ano ang laban niyon? Pero sinasabi nga nila, minsan ay may tsamba. Aasa na tayo sa tsamba eh sa tuwing sumasali tayo sa ganyan eh malaking gastos din naman, at wala namang kitang maaaring asahan.

Hindi ba may panahon pang kumuha tayo ng isang American PR firm para lang mai-promote ang ating pelikula roon? May nangyari ba? Eh dito nga ang promo nila dinadaan na lang nila sa Facebook para walang gastos. Wala ngang kautak-utak ang publisidad ng mga pelikula na sa Facebook lang ang promo, ano ang aasahan ninyo sa abroad? Dito nga hindi maipalabas sa sinehan iyang mga indie at pito-pito, doon pa ba?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …