Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lani Misalucha bingi na, na-1-2-3 pa

HINDI namin alam. Napakahirap pala ng sitwasyon ngayon ni Lani Misalucha. Noong Oktubre noong nakaraang taon, sabay silang mag-asawa na tinamaan ng bacterial meningitis. Matagal din silang naospital, pero hanggang ngayon pala ay may nadarama pa silang epekto niyon. Inaamin ni Lani, minsan ay mahina ang kanyang pandinig, at kung minsan hindi siya makarinig. Ang naririnig niya ay malakas na ugong sa kanyang tenga.

Siguro, iyong karaniwang tao ay mapagtitiisan naman iyon, pero sa kagaya niya na isang singer, ano nga ba ang kanyang gagawin? Hindi niya marinig mismo maski ang boses niya kung kumakanta siya. Hindi rin niya naririnig ang minus one na ginagamit niya. Kung umaatake ang ganoong sitwasyon paano nga ba siya kakanta?

Palagay namin baka nga mas makabubuti kung magpapatingin siya sa mga mas batikang doctor, pero paano nga ba siyang magpupunta sa abroad para magpagamot eh may pandemic?

Kawawa naman si Lani, tapos itinakbo pa ng pinagtiwalaan niya ang kita niya sa social media.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …