Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy Eva, pinauuwi na si BB Gandanghari

NAKIKIUSAP pa si Eva Carino sa kanyang anak na si BB Gandanghari na umuwi na lang dito sa Pilipinas. Bakit nga naman hindi, eh iniintindi rin naman siya ng kanyang ina at mga kapatid na nariritong lahat sa Pilipinas, samantalang siya ay nag-iisa sa US. Dumating din naman iyong panahon na nagkasakit siya, wala man lang dumamay sa kanya. Paano nga siyang dadamayan eh ang layo niya.

Kung ano-ano na rin ang nangyari sa kanyang buhay roon. Hindi nga ba’t sinasabing may panahong pumasok pa siyang Grab driver. Kung naririto ba siya sa Pilipinas ay mangyayari iyon? Dito, kahit na nga sabihin mong nag-out na siya, may kukuha pa rin sa kanya sa ibang trabaho. Maaari pa rin siyang maging product endorser, maaari siyang maging model, at saka rito siya mag-vlog.

Ang maiiba nga lang, doon sa US may pinanghahawakan siyang “court order”na siya ay kilalanin bilang isang transwoman, hindi na siya lalaki legally. Kung dito siya sa Pilipinas ay wala iyan. Dito kung sa birth certificate mo ay lalaki ka, lalaki ka.

Pero ganoon ba naman kahalaga sa kanya iyong masabing transwoman siya, eh sa ayos lang naman niya at sa kilos niya hindi na kailangan ang ganoong papeles.

Natural lang sa isang nanay na kung nalalaman niyang hindi rin naman maganda ang kalagayan ng kanyang anak sa kinaroroonan niyon, pauuwiin na niya talaga. Kung hindi man siya matanggap ng mga kapatid niya bilang isang transwoman, tanggap pa rin siya ng nanay niya.

Siguro iba ang sitwasyon kung alam ni Eva Carino na maganda ang kalagayan niya sa US. Kung nangyari nga ang pangarap niyang maging artista sa Hollywood, o kaya ay nagkaroon siya ng magandang pinagkakakitaan sa US, baka ang sabihin pa ng ermat niya ay huwag na siyang umuwi rito at kunin na siya para roon na rin tumira.

Kaso iba nga ang sitwasyon niya sa US eh. Hindi naman maikakaila, at inaamin din naman niya na ang buhay niya sa US ay ”far from being ideal.” Inaamin niyang mahirap doon dahil siya ang nag-aasikaso ng lahat, pati ang paglilinis ng bahay, paglalaba at pagluluto ng kakainin niya.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …