Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo, Maja, at Catriona ‘wag sisihin (Sa pagkawala sa ere ng Sunday Noontime Live)

MUKHANG mali namang sabihing isang sampal kina Piolo Pascual, Maja Salvador, at Catriona Gray ang pagkakasara ng kanilang Sunday noontime show. Nasara iyon dahil mababa ang ratings, hindi pumasok ang mga sponsor at nalulugi na ang producer. Pero maling sabihin na dahil iyon kina Piolo, Maja, at Catriona. Pag-aralan muna kung bakit.

Masikip na ang competition para sa Sunday noontime shows. Wala talagang pag-asa ang ikatlong noontime show kung araw ng Linggo at kahit na anong araw pa. Nauna na iyong GMA 7, na panahon pa ni Kuya Germs ay namamayani na sa Sunday noontime audience. Noon lahat ng tumapat kay Kuya Germs, bagsak din. Tinatapatan si Kuya Germs ng lahat ng malalaking stars, naapektuhan ng kaunti. Pinalitan nila si Kuya Germs, lalong hindi umubra ang bagong show sa ASAP. Tinapatan na naman ng iba ang ASAP, medyo lumaban pero ganoon pa rin.

Pumasok ang TV5 at gumawa ng mas malaking show, on remote pa sa isang truck. Kinuha ang mga dating star ng GMA 7, wala ring nangyari. Hindi rin naka-abante. Ganyan din ngayon, gumawa sila ng isang show tutal ang ASAP ay napapanood na lang sa internet at doon sa ZOE TV na mahina ang signal, eh habit na ng tao iyong basta Linggo ng tanghali sa ABS-CBN sila at sa GMA. Kahit na sabihin mong mga tao rin ng ASAP ang bumuo ng dating show, hindi nila matatangay ang audience.

Kagaya rin iyan noong nag-ambisyong labanan ang apat na dekada nang Eat Bulaga, dahil sinasabi nila wala na ang mga original hosts na sina Vic Sotto at Joey de Leon, na nakakasali na lang via zoom dahil restricted na sila dahil mga senior citizen, at ibinawal na iyon ng IATF. Second stringers ang mga host ngayon ng Eat Bulaga, nakakalaban ang It’s Showtime kahit na nasa internet lamang at sa mas mahinang ZOE TV. Pero naka-abante ba ang bagong noontime show na binuo ng mga dating hosts ng Eat Bulaga? Una, nasa mas mahina pa silang estasyon, at nasanay ang mga tao na ang napapanood lamang doon ay mga religious programs ng Iglesia ni Cristo.

Paano mo aagawin ang audience ng noontime slot?

Napakahirap ng labanan sa noontime slot. Katunayan, mas mahigpit pa ang labanan diyan kaysa primetime. Naglalaban kasi sila sa mas maliit na bilang ng audience.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …