Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall herbal products

Tutor pinalalakas ng FGO Krystall herbal products

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Zaida Quisumbing, 34 years old, single. Wala po akong regular na trabaho. Hindi po ako natutuwa sa nagaganap na pandemya pero dahil po sa pandemya nagkaroon ako ng masasabi kong regular na trabaho ngayon.

‘Yung mga magulang po kasi na busy at hindi kayang alalayan ang kanilang anak sa online classes ay hina-hire po ako para maging tutor ng kanilang mga anak dahil kahit paano po ay nakatuntong ako sa kolehiyo. Malaking bagay po ito sa akin.

Pero dahil nga po biglang nagbago ang iskedyul ng aking katawan madalas po akong sipunin. Mabuti na lang po at lagi akong may stocks na Krystall herbal products and supplements.

Kapag sinisipon po ako, agad akong nagsusuob sa mainit na tubig at asin. Tapos po agad akong maghahaplos ng Krystall Herbal Oil at habang nagpapahinga ay iinom ng mainit na Krystall Nature Herbs. Regular ko rin pong supplements ang Krystall Vit. B1B6 na malaking tulong para sa pagpapalakas ng resistensiya.

Sinusunod ko rin po ang payo ni Master Herbalist, Sis Fely Guy Ong kung paano babalensehin ang init at lamig sa sistema ng aking katawan sa pamamagitan ng wastong pagkain.

Kaya naman po sa kabila ng busy schedule ko ngayon sa pagtu-tutor ay napapanatili kong malusog ang aking katawan.

Maraming, maraming salamat po, Sis Fely Guy Ong, dahil sa napakahusay ninyong mga imbensiyon.

God bless you po.

ZAIDA QUISUMBING
Norzagaray, Bulacan

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

 

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …